Public elementary at high school libre sa graduation fee
MANILA, Philippines - Pinaalalahanan ni Senador Bam Aquino ang mga opisyal ng pampublikong elementarya at high school sa bansa ang umiiral na patakaran ng Department of Education (DepEd) na nagbabawal sa pangongolekta ng graduation fees.
Sa ilalim ng DepEd Order No. 8, series of 2005 na ang graduation fees o iba pang uri ng kontribusyon o bayarin ay hindi kailangan para makapagtapos.
Sinuportahan din ni Aquino ang panawagan ni DepEd Secretary Br. Armin Luistro na huwag mangolekta sa mga magulang para sa graduation ceremonies.
Anya, dapat nang itigil ang pangongolekta ng anumang graduation fee dahil itinatakda ng 1987 Constitution ang pagbibigay ng pamahalaan ng libÂreng pag-aaral sa elementary at high school.
- Latest