^

Police Metro

Sunog sa QC: 50 pamilya nawalan ng tahanan

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nawalan ng tahanan ang may 50 pamilya sa sunog na naganap sa isang barangay sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Sa inisyal na ulat ng Bureau of Fire Protection, ang sunog ay naganap sa San Simon St., Brgy. Holy Spirit, ganap na alas-5:12 ng mada­ling araw.

 Hindi pa batid ng BFP kung saang bahay nagsimula ang apoy dahil halos dikit-dikit ang naturang kabahayan sa lugar.

 Mabilis na kumalat ang apoy dahil sa pawang gawa sa light materials ang nasabing mga tahanan.

 Isang residente na nakilala sa pangalang Domingo Dela Cruz ang iniulat na nasugatan sa kamay habang tumutulong sa pag-apula ng apoy.

 Umabot sa ika-apat na alarma ang sunog, bago tuluyang naapula ito ganap na alas-6:25 ng umaga.

 Nagsasagawa pa ang masusing imbestigasyon ang mga tauhan ng arson investigators upang matukoy ang ugat at halaga ng napinsala sa nasabing sunog.

 

BRGY

BUREAU OF FIRE PROTECTION

DOMINGO DELA CRUZ

HOLY SPIRIT

ISANG

MABILIS

NAGSASAGAWA

QUEZON CITY

SAN SIMON ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with