Itinapon sa Cebu... Colonel na humuli kay Delfin Lee, sinibak
MANILA, Philippines - Sinibak ni PNP Chief Director General Alan Purisima ang CommanÂder ng Task Force Tugis na namuno sa operasyon para masakote ang high profile fugitive na si Delfin Lee, presidente ng Globe AsiaÂtique na sangkot sa P6.6 bilyong housing scam.
Agad na itinanggi ni Purisima na sinibak niya si Task Force Tugis Commander P/Sr. Supt. Conrad Capa, kundi ito ay isang promosyon dahil itatalaga bilang bagong pinuno ng Deputy Directorate for Operations sa Police Regional Office (PRO) 7 sa Cebu o bilang number 3 man sa Command Group na epektibo anumang araw mula ngayon matapos ang gaganaping turnover ceremony sa lugar.
“Nasaktan ako, maÂling sabihin na promosÂyon ang paglilipat sa akin, ni-relieve ako 1 week after mahuli si Delfin Leeâ€, ani Capa na sinabing hindi niya maintindihan kung ano ang nangyari sa biglaang pagsipa sa kaniya sa puwesto.
Anya, kung nais ng liderato ni Purisima na ma-promote siya ay may bakante sa PNP Headquarters sa Camp Crame at hindi kailangan na dalhin pa siya sa Cebu kung saan ay matagal pa ang kaniyang hihintayin na maaaring umabot ng anim na buwan para umangat sa puwesto.
“Nabigla ako, I will not take this sitting down, I’m very madâ€, pag-alma pa ni Capa na tinukoy na maraming mga high profile fugitives ang nasakote ng Task Force Tugis sa ilalim ng kaniyang pamumuno.
Kabilang pa sa mga most wanted na nasakote ng Task Force Tugis sa pamumuno ni Capa ay ang magkapatid na Raymond at Roger Dominguez, lider ng notoryus na Dominguez carjacking gang na nabitag sa Bulacan noong Mayo 2012; pagkaaresto sa Cavite noong Oktubre 2012 kay Ricky Cadavero, lider ng Ozamis robbery/holdup gang na sangkot naman sa nakawan sa Ayala Alabang Town Center; rapist ng mga dentista sa Metro Manila at iba pa.
Idinagdag pa ni Capa na nang italaga siya ni Purisima na pamunuan ang Task Force Tugis noong Agosto 2013 para hulihin ang tinaguriang Big 5 high profile fugitives na kinabibilangan nina Lee, dating Army Major General Jovito Palparan, dating Dinagat Rep. Ruben Ecleo at ang magkapatid na sina dating Governor Joel Reyes at dating Coron, Palawan Mayor Mario Reyes.
Ayon sa Camp Crame insiders na nasipa si Capa sa puwesto dahil ito umano ang pinaghihinalaan na siyang nagtimbre kay Vice President Jejomar Binay sa nag-leak na pagtawag ni Oriental Mindoro GoÂvernor Alfonso Umali kay Purisima upang arborin si Delfin Lee.
- Latest