^

Police Metro

Bulacan education fund kinuwestyon

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasa P10,850,351 mula sa Special Education Fund na  ginastos ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan noong 2012 na umano ay hindi pinahihintulutan ng batas na naglikha sa naturang pondo ang kinuwestyon ng isang anti-graft crusader.

Ipinaliwanag ni Antonio Manganti, anti-graft crusader na ang  SEF ay nalikha sa bisa ng  Republic Act  5447 na naisabatas noon pang pang 1968.

“Malinaw na isinaad  ng RA 5447 na ang SEF ay maaari lamang  gastusin sa mga pangangailangan   ng public school system o mga gawain at aktibidad na  pinahintulutan ng mga school board.

“Walang anumang bahagi ng RA 5447 ang nagsasaad na maaaring gastusin ang SEF sa anumang donasyon  anuman ang dahilan nito,” ayon kay Manganti.

Subalit, noong 2012, ayon sa COA report, ibinulgar ni Manganti na nabigyan ng hindi otorisadong donasyon ang  ilang pribadong mamamayan o mga samahan ng mga ito, mga pamahalaang local, mga non-government agencies at mga non-government organizations (NGOs) at mga samahan ng mga pribadong indibidwal o people’s organizations.

Ayon sa COA report, ang mga samahan ng mga pribadong indibidwal at mga NGOs na nabigyan ng  hindi otorisadong donasyon ay wala ring accreditation o hindi kinikilala ng  Sangguniang  Panlalawigan na ipinagbabawal ng Section 36 ng RA 5447.

Idinagdag pa na sa ilalim ng Section 305  ng RA 7160 o Local Government Code, walang anumang salapi mula sa kaban ng lokal na pamahalaan ang maaaring gastusin kung hindi rin lamang ito pagsunod sa isang ordinansa.

Sa ilalim din ng Section 305 (a)  ay nakasaad din na ang pondo ng local na pamahalaan ay maaari lamang gastusin para sa serbisyo publiko para sa higit na nakararami.

ANTONIO MANGANTI

AYON

BULACAN

IDINAGDAG

LOCAL GOVERNMENT CODE

MANGANTI

REPUBLIC ACT

SPECIAL EDUCATION FUND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with