Chinese drug traffickers gatasan... 7 CIDG na ‘Agaw bato’ tiklo
MANILA, Philippines - Dinakip ang isang opisyal ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP CIDG) at 6 civilian assets na pawang miÂyembro ng “Agaw Bato†group sa isang pagsalakay sa mismong opisina ng CIDG sa Pampanga kamakalawa.
Ang mga inarestong suspek ay kinilalang sina Police Chief Inspector BienÂvenido Reydado, hepe ng Pampanga CIDG, at 6 civilians agents na sina Adriano M. Laurete a.k.a. Ambo; Arnold Sanggalan a.k.a. Arnold; Eric Reydado, pinsan ni Bienvenido Reydado; Adriano Laurete a.k.a. Andy a.k.a. Eric; Pedrito Tadeo a.k.a. Pepot at Edwardson Sisracon.
Ayon kay acting CIDG director Chief Superintendent Benjamin Magalong, na si Reydado ay isa sa mga lider ng kanilang grupo na kung tawagin ay “Agaw Bato†syndicate na nagsasagawa ng mga pagsalakay at pag-aresto sa mga Chinese drug groups na kung saan ay kukumpiskahin ang mga armas at shabu para sa kanilang sarili.
“Ang ginagawa nila dito ay hinuhuli nila yung mga Chinese drug traffickers, kukunin nila yung drugs, kukunin nila yung pera and at the same time, papakawalan nila. Ine-negotiate nila, papaÂkawalan nila yung mga drug traffickers. Kukunin nila yung mga drugs at ibebenta nila,†wika ni Magalong.
Nabatid na nagsagawa ng mga pagsalakay ang CIDG, kasama ang PhilipÂpine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa CIDG office sa Pampanga at maging sa umano’y safehouse ng grupo sa Barangay Panginay, Balagtas, Bulacan na kung saan dito naaresto si Sisracon, na number 2 most wanted man sa Naic, Cavite.
Nakumpiska sa pagsalakay ang 5 high-poÂwered firearms, 11 pistols, rifle grenade, sari-saring magazines at mga bala, 5 SUVs, 2 motorcycles, at P2 milyon na cash sa isang vault na pinaniniwalaan ng CIDG na lagayan ng mga shabu.
Sa nakumpiska na mga armas ay tatlo lang sa mga ito ang may lisensiya tulad ng isang pistol na nakarehistro kay Reydado habang ang dalawang M-16 rifles na nakarehistro rin kay Reydado ay magkakapareho ang serial number na pinaniniwalaang tampered at ang ibang mga baril ay pawang loose firearms.
Sinibak naman sa puwesto ang hepe ng CIDG Region 3 na si, Police Senior Superintendent Vic Valencia, dahil sa command responsibility.
Ayon pa kay MagaÂlong na matagal na nilang mino-monitor ang gawain ng grupo simula noong Enero na pininiwalaan nilang nagsimula ang opeÂrasyon ng grupo noong Agosto ng nakalipas na taon.
Si Reydado ay daÂting kasapi ng PDEA na kinasuhan ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive DangeÂrous Drugs Act, subalit nadismis ang kaso at napunta sa CIDG.
Maging ang deputy ni Reydado na si Police Senior Inspector Romel dela Vega ay kasama sa arrest warrant, subalit hindi naaresto dahil nasa schooling ito sa abroad.
Ang grupo ay kakasuhan ng paglabag sa Presidential Decree 1866 as amended by RA 8294 and RA 9165.
Si Reydado ay kakasuhan ng illegal possession of firearms, infideÂlity in custody of prisoners, drug trafficÂking, at graft. Nahaharap din ito sa kasong admiÂnistratibo.
- Latest