^

Police Metro

Kapartido ni Pacquiao... Mayor ligtas sa ambush, dedo sa atake sa puso

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Bagama’t nagawang maligtasan ng isang mayor ang pag-ambush sa kanya ng mga hindi pa kilalang suspek ay hindi naman nito naligtasan ang atake sa puso ilang oras pagkaraang isugod sa pagamutan naganap  kamakalawa ng gabi sa bayan ng Sarangani.

Ang nasawing biktima ay kinilalang si Sarangani, Maitum Mayor George Perrett, kapartido ni Pambansang Kamao Manny “Pacman” Pacquiao sa People’s Champ Movement noong  2013 elections.

Lumalabas sa imbestigasyon, dakong alas-10:30 ng gabi ay kagagaling lang ng biktima sa Sarangani, nang pagbabarilin sa kahabaan ng national highway  ng Brgy. Malalag, Maitum bandang alas-10:30 ng gabi.

Ayon sa imbestigasyon kagagaling lamang ng biktima sa isang kasiyahan sa gymnasium ng kanilang bayan at pauwi na kasama ang kaniyang misis at sekretarya.

Habang minamaneho ng biktima ang kanilang sasakyan  nang pagbabarilin ng mga suspek na pawang armado ng  kalibre 45 pagsapit sa lugar.

Nagtamo ng isang tama ng bala sa kaliwang hita ang biktima na hindi naman malubha at  mabilis na isinugod sa pagamutan para malapatan ng lunas.

Bigla na lamang itong dumaing nang paninikip ng dibdib at binawian ng buhay kahapon ng alas-3:30 ng  madaling-araw.

Kinumpirma naman ng mga doktor na inatake sa puso ang biktima.

vuukle comment

AYON

BAGAMA

BIGLA

BIKTIMA

BRGY

CHAMP MOVEMENT

MAITUM MAYOR GEORGE PERRETT

PAMBANSANG KAMAO MANNY

SARANGANI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with