Kalbaryo ng mga MRT riders aabot sa 2016
MANILA, Philippines - Tatagal hanggang 2016 ang magiging kalbaryo ng mga sumasakay sa Metro Rail Transit dahil doon pa lang darating ang mga bagong coaches.
Kaya naman ay hiniling ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto na magsagawa ng mga “interim measures†habang hinihintay ang pagdating ng mga bagong coaches at dapat gumawa ng paraan ang pamahalaan para mabawasan ang paghihirap ng mga pasahero sa MRT na mahigit sa kalahating milyon ang sumasakay araw-araw.
Isa aniya sa maaring gawain ang pagpapahaba ng oras ng biyahe ng MRT 3 ng kahit isang oras upang mas marami pa rin ang makasakay na pasahero.
Ang pinakahuling tren na umaalis ng Trinoma station ay 10:30 pm samantalang ang mula sa opposite direction ay umaalis sa Taft Avenue Station ng 11 pm.
- Latest