^

Police Metro

Military truck vs dump truck: 8 sundalo sugatan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasugatan ang walong sundalo matapos na ang sinasakyan nilang military truck ay su­malpok sa kasalubong na dump truck kamakalawa sa Brgy. Bugo, Cagayan de Oro City.

Ang mga biktima na kinilala sa mga apelyido lamang ay sina Staff Sgt. Domanais, Technical Sgt. Bolivar, Cpl. Manicap, Pvt. Diaz, Private Mendrez, Sgt. Bernales, Cpl. Bolay, Pfc. Pagios  at Corporal Esmalde na nilalapatan na ng lunas sa Camp Evangelista Hospital sa base ng Army’s 4th ID sa Cagayan de Oro City.

Sa ulat, bandang alas-9:20 ng gabi ay sakay ang mga biktima sa isa sa tatlong convoy ng military trucks at patungo sana sa Brgy. Bangkali sa Butuan City para magsilbing augmentation troops nang mangyari ang sakuna.

Nawalan umano ng kontrol sa manibela ang isa sa driver ng military truck matapos na magka-aberya ang sasakyan na pumihit sa kaliwa hanggang sa magbanggaan ito at ang kasalubong na dump truck sa naturang lugar.

 

vuukle comment

BANGKALI

BRGY

BUTUAN CITY

CAMP EVANGELISTA HOSPITAL

CORPORAL ESMALDE

ORO CITY

PRIVATE MENDREZ

STAFF SGT

TECHNICAL SGT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with