^

Police Metro

Pagiging state witness dadaan sa tamang proseso - Palasyo

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ng Palasyo ng Malakanyang na dadaan sa tamang pro­seso ang pagiging state witness sa PDAF scam.

Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, may pro­sesong sinusunod upang maging state witness ang isang gustong tumestigo.

Sinabi ni Valte na mismong si Pangulong Benigno Aquino III ang nanawagan ilang buwan na ang nakakaraan na dapat lumutang at magbigay ng pahayag ang mga may nalalaman sa pork barrel scam kung saan inilagay ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng ilang mambabatas sa mga pekeng non-government organizations ni Janet Lim Napoles.

Ani Valte, dadaan sa evaluation o pagsusuri ng Department of Justice (DOJ)  ang testimonyang ipagkakaloob lalo pa’t hindi puwedeng maging state witness ang lahat.

Dahil sa dumaraming bilang ng mga gustong maging state witness, tiniyak naman ng Malacañang na nagkaroon na ng “improvement” sa witness protection program” ng gobyerno.

Matatandaan na na­banggit ang pangalan ng actor na si Mat Ranillo III sa pinakahuling pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kung saan sinasabing naging “middle man” din ito sa pagitan ng isang senador at ni Janet Lim Napoles.

Nakatakdang paharapin ng komite si Ranillo sa susunod na hearing.

 

vuukle comment

ABIGAIL VALTE

ANI VALTE

DEPARTMENT OF JUSTICE

DEPUTY PRESIDENTIAL

JANET LIM NAPOLES

MAT RANILLO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND

SENATE BLUE RIBBON COMMITTEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with