^

Police Metro

Road rage: Jeepney driver utas sa traffic enforcer

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang jeepney driver matapos na barilin ng nairitang traffic enforcer habang nagtatalo ukol sa  paglabag sa trapiko ng una kamakalawa ng gabi sa national highway, Brgy. Makiling, Calamba City, Laguna.

Ang nasawi dahil sa tama ng bala ng cal.45 sa likod ay kinilalang si Sernel Malaguit, 41, driver ng PUJ (DXV-658), residente ng Sto.Tomas, Batangas.

Ang suspek na tumakas ay kinilalang si Alexander Rabago, 43-anyos, barangay tanod na nakatalagang traffic enforcer.

Sa imbestigasyon, bago nangyari ang krimen dakong alas-6:00 ng gabi sa harapan ng Yazaki Torres, national highway ay sinita ng suspek ang biktima matapos na magbaba ng mga pasahero sa alanga­ning lugar.

Nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng biktima at ni Rabago kaya’t agad pinaharurot ng una ang behikulo patungong Batangas upang iwasan na ang nagmumurang suspek.

Subalit hinabol ito ng suspek at ina­butan may 50 metro sa lugar kung saan sumampa sa jeepney ang una at binaril gamit ang cal.45 pistol  sa biktima na halos sumabog ang likod sa insidente.

vuukle comment

ALEXANDER RABAGO

BATANGAS

BRGY

CALAMBA CITY

MAKILING

NAGKAROON

RABAGO

SERNEL MALAGUIT

YAZAKI TORRES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with