^

Police Metro

Iniwan ni misis dahil sobrang seloso... Mister hinostage ang 6 bata

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ang pag-hostage sa tatlong anak at tatlong pamangkin ang naisip na paraan ng isang mister para muli siyang balikan ng kanyang misis na nagsawa na sa pakikisama sa kanya dahil sa sobrang seloso naganap kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Umabot halos ng tatlong oras ang negosasyon bago sumuko ang suspek na si Emmanuel Palasol, 30, ng Phase 8-7, Barangay 176, Bagong Silang ng lungsod.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente  bandang alas-7:30 ng gabi nang i-hostage ng suspek na armado ng patalim ang tatlong anak at tatlong pamangkin na nasa  12, 6, 10, 7, 3 at 3-anyos sa loob ng kanilang bahay sa naturang lugar.

Nakipagnegosasyon ang mga otoridad sa suspek at hiniling na makausap ang misis na si Emily at halos umabot ng tatlong oras nang dumating si Emily  na siyang na­ging susi para pakawalan ng suspek ang mga bihag nito.

Ayon sa suspek, si­mula nang mahuli niyang may ka-textmate ang misis noong Nobyembre ng nakalipas na taon ay  hindi na ito umuwi sa kanila at hinala niya ay mayroon itong ibang lalaki.

Inamin naman ni ­Emily na sinadya niyang iwan ang mister na bukod sa sobrang seloso ay wala pa itong trabaho kaya’t madalas silang mag-away.

Nang magkaharap ang mag-asawa sa presinto ay tila maamong tupa ang mister sa paghingi ng tawad sa misis na tila wala nang amor sa kanya.

Ayon naman sa mga pulis kahit na patawarin ng misis ang kanyang mister ay nahaharap pa rin ito sa kasong kasong alarm and scandal, child abuse law at illegal detention.

 

vuukle comment

AYON

BAGONG SILANG

CALOOCAN CITY

EMMANUEL PALASOL

INAMIN

NAKIPAGNEGOSASYON

NANG

NOBYEMBRE

TATLONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with