^

Police Metro

Jeep nahulog sa kanal, 5 todas

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Todas ang lima katao  makaraang mahulog sa kanal ang isang pampasaherong jeepney na may sakay ng 33 katao sa bayan ng Baay-Licuan sa probinsiya ng Abra, kamakalawa ng gabi.

Ayon Cordillera Provincial Police Office ng PNP,  ganap na alas-6:05 ng gabi nang mangyari ang aksidente sa nasabing lugar.

Sa inisyal na ulat, nakilala ang mga nasawi na sina Melba Millare, Slomen Colangan, Veronica Tucio, Norren Tugadi, at Dimple Tugadi.

Ang insidente ay nangyari habang binabagtas ng jeepney na may palakang AYG-368 na minamaneho ni Victor Gallotan Pacio 4, ang lugar galing ng Barangay Nalbuan sa Sitio Baquero, patungong Brgy. Mapisla at habang papaliko sa pakurbadang daan ay nag­loko ang preno nito.

Dahil dito, nawalan ng kontrol sa kanyang sasak­yan si Pacio ay dumiretso sa isang kanal bago tuluyang bumaligtad.

Nagawa pang maisugod sa ospital ang mga biktima, pero binawian din ng buhay.

Habang ang siyam na sugatan ay dinala naman sa Abra Christian hospital at walo pa ay sa Seares Memorial hospital.

 

 

 

vuukle comment

ABRA CHRISTIAN

AYON CORDILLERA PROVINCIAL POLICE OFFICE

BARANGAY NALBUAN

DIMPLE TUGADI

MELBA MILLARE

NORREN TUGADI

SEARES MEMORIAL

SITIO BAQUERO

SLOMEN COLANGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with