^

Police Metro

Lover ni misis, inatado ni mister

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kalagayan ang isang tricycle driver matapos na pagtatagain ng isang mister nang malaman na karelas­yon nito ang kanyang misis naganap kahapon ng madaling-araw sa Muntinlupa City.

Ang biktima na nagtamo ng mga taga sa likod ay kinilalang si Menardo Rolluque, 39, residente ng #27 San Guillermo St., Barangay Bayanan ng naturang lungsod.

Ang suspek na tumakas ay kinilala sa alyas Joel, residente ng lugar.

Sa ulat, dakong ala-1:30 ng madaling-araw ay nalaman ng suspek ang pangalan at tirahan ng biktima dahil sa mga naririnig nitong tsismis na karelasyon ito ng kanyang misis.

Kaya naman sinugod ng suspek ang bahay ng biktima at nang makita ay agad itong pinagtataga.

Nang bumulagta ang biktima ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang una ng kanyang anak sa ospital.

 

vuukle comment

BARANGAY BAYANAN

BIKTIMA

KANYANG

KAYA

MENARDO ROLLUQUE

MUNTINLUPA CITY

NANG

SAN GUILLERMO ST.

SUSPEK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with