^

Police Metro

P400-M produktong China nasabat

Lordeth Bonilla, Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang bodega na nasa ika-anim na palapag ng isang  gusali ang sinalakay ng mga otoridad at dito ay nakum­piska ang humigit kumulang na P400 milyon na pekeng mga produkto na pinaniniwalaang galing China naganap kahapon ng umaga sa Pasay City.

Sa ulat, dakong alas-5:00 ng umaga nang salakayin ng pinagsanib na puwersa ng National Bureau of Investigation (NBI), Pasay  City Police at Bureau of Customs na mahigit isang buwan na minanmanan.

Dito ay naabutan lang ang isang sekyu na nagbabantay sa bodega na pag-aari ng isang Chinese national na gumagamit ng iba’t ibang pangalan.



Ang mga kahon ng pekeng prudukto ay natagpuan mula sa ikalawa hanggang ikaanim na palapag ng bodega habang may maliit na opisina sa unang palapag ng gusali na puno ng mga closed circuit television (CCTV) camera.

Tanging  ang naabutan ng mga  otoridad sa natu­rang bodega  na pag-aari ng isang Chinese national  na gumagamit ng iba’t ibang pangalan ay ang mga guward­yang naka-duty dito.




Posible anya na  galing sa China ang mga produkto dahil sa mga  Chinese characters na nasa kahon nito at tanging  ang naabutan ng mga  otoridad sa naturang bodega  na pag-aari ng isang Chinese national  na gumagamit ng iba’t ibang pangalan ay ang mga guwardyang naka-duty dito.



Nakatakdang imbitahan ang mga may-ari ng branded na produkto upang masaksihan ang pagwasak sa pekeng produkto upang hindi na maibenta sa merkado.

BUREAU OF CUSTOMS

CITY POLICE

DITO

ISANG

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PASAY CITY

UML

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with