^

Police Metro

Asset ng PDEA, natunugan, todas

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isa umanong asset ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nasawi nang ito ay pagbabarilin ng isa sa dalawang pusher ng droga habang nagsasagawa ng surveillance kasama ang operatiba ng nasabing ahensiya sa loob ng motel sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw.

Ang biktima na hindi umabot ng buhay sa Manila Central University  (MCU) Hospital dahil sa mga  tama ng bala sa katawan  ay kinilalang si Gerry Padilla, nasa hustong gulang,  ng Mata St., Tondo, Maynila.

Nadakip ang isa sa dalawang suspek na kinilalang si John Alvin Gabriel habang pinaghahanap pa  ang gunman na nakilala lang sa pangalang Tony Cho.

Sa ulat, dakong alas-2:14 ng madaling-araw, ay umokupa ng kuwarto ang biktima kasama ang asawa sa Sogo Hotel sa EDSA Avenue, Monumento ng naturang lungsod upang manmanan ang mga suspek.

Subalit, nakatunog ang mga suspek at ilang sandali ang lumipas ay  kumatok ang mga suspek sa kuwarto ng biktima at nang buksan ng nasawi ay sunod-sunod na pinutukan ito ni Cho.

Tumakas ang mga suspek,  subalit nadakip si Gabriel ng ilang kasamang PDEA agent.

 

CALOOCAN CITY

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

GERRY PADILLA

ISA

JOHN ALVIN GABRIEL

MANILA CENTRAL UNIVERSITY

MATA ST.

SOGO HOTEL

TONY CHO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with