^

Police Metro

Rider tinakbuhan ang checkpoint tigok sa semplang

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Namatay noon din ang 52-anyos na si Rolando Nillo ng Bagong Barrio, Caloocan City  dahil sa pag­kabagok ng ulo nang sumemplang ang minamanehong motorsiklo matapos na takbuhan ang police checkpoint kahapon ng madaling-araw sa Valenzuela City.

Sa ulat ng pulisya, alas-2:00 ng madaling-araw ay nagsasagawa police checkpoint sa kahabaan ng Gen. T. De Leon ng lungsod nang mamataan ang biktima na walang helmet habang minamaneho ang  motorsiklo na for registration ang plaka.

Kaya’t pinara ito ng mga pulis, subalit sa halip na huminto ay pinaharurot nito ang  motorsiklo kaya’t hinabol din ito ng nakamotorsiklong mga  pulis.

Pagdating sa palikong bahagi ng McArthur Highway, Barangay Malinta ay nawalan ng kontrol sa pagmamaneho ang biktima at nagpagewang-gewang hanggang sa sumemplang ito.

 Sa lakas ng semplang ay  tumilapon ito at  tumama ang ulo sa gutter ng bangketa na agad nitong ikinasawi.

 

vuukle comment

BAGONG BARRIO

BARANGAY MALINTA

CALOOCAN CITY

DE LEON

KAYA

NAMATAY

ROLANDO NILLO

VALENZUELA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with