Gasolinahan sa tabi ng eskwelahan tinutulan
MANILA, Philippines - Galit ang namumuot sa mga magulang at ilang guro ng Olongapo City Elementary School (OCES) matapos umanong maaprubahan nina TK Balde, Head ng City Planning at Olongapo City Elementary School Principal Nilda Quitaneg na asawa ng city admiÂnistrator para maaprubahan ang pagpapatayo ng gasoline station na pader lamang ang pagitan mula sa mga silid aralan ng eskwelahan.


Ayon din sa mga guro at magulang inindorso umano ito ni Olongapo City Mayor Rolen Paulino sa City Council para agad itong ipasa at mapadali ang pagpapatayo ng gasolinahan at agad mabigyan ng permit to-operate. 


Nakatakdang sumugod sa City Council Office ang mga magulang at mga guro para ireklamo at pagpaliwanagin ang mga City Councilor na lumagda para maaprubahan ang nasabing gasolinahan gayong hindi ito maayos at pinagplanuhan ng mabuti at hindi inaÂalam ang disgrasya at maidudulot nito sa kalusugan ng mga estudyante. 


Sinabi naman ng daÂting Mayor na si James ‘Bong’ Gordon jr., na ang nasabing may-ari ng gasolinahan ay nagtangka ring lumapit sa kanya noong nanunungkulan pa siya, subalit mariin nya rin itong tinutulan at pinayuhang maghanap nalamang ng ibang mapagtatayuan na malayo sa paaralan dahil sa may batas na bawal ang mga ganitong establisyimento lalo na kung ito ay hindi maganda sa kalusugan at malapit din sa disgrasya taliwas sa ikinakalat ng ilan na sa termino niya ito na aprubahan.
- Latest