Tumatawag sa cellphone binoga sa mukha
MANILA, Philippines - Malapitang binaril sa mukha ang isang 35-anyos na lalaki habang may kausap sa cellphone habang naglalakad sa Tondo, Maynila kahapon ng madaling-araw.
Ang biktima na namatay noon din ay kinilalang si Bernard Nabua, may-asawa, ng no. 2624-N Dagupan Extension, Tondo.
Tumakas naman ang hindi pa kilalang suspek na nakamotorsiklo.
Sa ulat, dakong alas -12:30 ng madaling-araw ay kabababa lang ng biktima sa tricycle matapos ihatid ng dalawang babae at habang naglalakad sa harapan ng Emilio Jacinto Elementary School sa Capulong St., Tondo, Maynila nang lapitan ito ng suspek at binaril sa mukha.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng krimen at pagkakakilanlan ng suspek.
- Latest

















