^

Police Metro

Visa free sa Pinoy diplomats at gov’t opisyal inalis ng HK

Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines - Epektibo sa Pebrero 5 ay suspindido na ang “visa free” na ibinibigay para sa mga bumibisitang Pinoy diplomats at officials sa Hong Kong. 

Ang sanction na ito ng Hong Kong government  ay tungkol sa hindi paghingi ng paumanhin ng pamahalaang Pilipinas sa naganap Manila hostage crisis noong 2010 na ikinasawi ng 7 HK nationals.

Sa pulong balitaan kahapon, sinabi ni Foreign Affairs Spokesman Raul Hernandez na hindi hihingi ng paumanhin ang pamahalaan dahil sa  may “substantive closure”  sa usapin sa hostage crisis, may tatlong taon ang nakalilipas sa pagitan ng pamahalaan at ng gobyerno ng Hong Kong Special Administrative Region.

Ang panibagong negosasyon ay binuksan ng Hong Kong government na humihingi ng pormal na “apo-logy” ni Pangulong Benigno Aquino III kung saan ang Pilipinas, bilang isang sovereign nation ay hindi handang ikonsidera.

 

EPEKTIBO

FOREIGN AFFAIRS SPOKESMAN RAUL HERNANDEZ

HONG KONG

HONG KONG SPECIAL ADMINISTRATIVE REGION

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PEBRERO

PILIPINAS

PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with