Hindi magsusukli ng tama parurusahan
MANILA, Philippines - May nakatakdang parusa ang mga taong nagbibigay ng kulang na sukli.
Ito ay sa sandaling maisabatas ang House Bill 3606 o Exact Change bill ni Las Pinas Rep. Mark Villar na nagsasaad napagmumultahin ng P500 hanggang P25,000 piso ang sinuman na magbibigay ng kulang na sukli at masususpinde o matatanggalan pa ito ng business permit.
Dapat din anya na magÂpaskil ang mga establisyemento ng karatula sa kanilang counter na nagsasabing “demand your exact change†o hingin ang iyong eksaktong sukli.
Ang panukala ay pagbibigay ng proteksyon sa karapatan ng mga mamimili at upang matapos na rin ang mapang abusong sistema ng mga establisyemento.
- Latest