^

Police Metro

Binata, nagbigti: Selos sa trabaho ang dahilan...

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang 20-taong gulang na binata ang nagbigti sa loob ng kanilang tahanan makaraang magselos sa kanyang pinsan dahil lamang sa kanilang trabaho na naganap sa Mandaluyong City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Christopher Abasolo, RTW helper na nakatira M. Yulo St., Brgy. Hagdang Bato, Libis, Mandaluyong City.

Sa imbestigasyon nina SPO1 Marlon Climacosa at PO3 Marvin Masangkay, ng Criminal Investigation Unit (CIU) ng Mandaluyong City Police, nabatid na dakong alas-6:00 ng umaga nang matagpuan ng kanyang pinsang buo at kasamahan sa trabaho na si Riza Gean Camacho, 19, ang biktima na nakabigti sa loob ng kanyang kuwarto gamit ang isang cord ng rice cooker na idinugtong sa kulay dilaw ng nylon cord.

Ayon kay SPO1 Climacosa, selos sa trabaho sa kanyang pinsan na si Riza ang dahilan kung bakit nagawang magpakamatay ni Christopher.

Nabatid na ang magpinsan ay parehong nagtatrabaho sa RTW store ng kanilang tiyahin sa Baclaran.

Batay sa suicide note na nakuha ng pulisya, nagselos umano si Christopher  sa kanyang pinsan dahil ang dating trabahong ipinagkakatiwala sa kanya ng tiyahin ay ipinasa kay Riza.

“Kaibang selos ito, hindi sa love affair kundi sa trabaho nila na ipinagkakatiwala sa kanila ng kanilang tiyahin,” ani Climacosa.

Nakasaad sa suicide note ang mga katagang “Mama-Tito, salamat po sa lahat-lahat  tatanawin ko po ng utang na loob ang  lahat ng kabutihan niyo sa akin, mas mabuti na mawala ako sa mundo kaysa maghirap ako sa kalye.”

Sa hiwalay na suicide note ng biktima ay para naman sa pinsang buo na si Riza ang kanyang mensahe kung saan inihayag nito ang kanyang sama ng loob na kinikimkim.

“Ikaw-Riza Camacho ang sisingilin sa lahat kung bakit nawala ang lahat sa akin, dahil sayo. Paalam”.

vuukle comment

CHRISTOPHER ABASOLO

CLIMACOSA

CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

HAGDANG BATO

IKAW-RIZA CAMACHO

KANYANG

MANDALUYONG CITY

MANDALUYONG CITY POLICE

MARLON CLIMACOSA

RIZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with