^

Police Metro

Dalagita todas sa tandem

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Todas ang isang dalagita makaraang pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang riding-in-tandem habang ang biktima ay nakaupo sa harap ng kanilang ta­hanan sa Mexico, Pampanga, kahapon ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Rialyn Ravalo, 16, residente ng B-100 Pandacaqui, resettlement, Mexico, Pampanga.

Dead-on-arrival sa pagamutan ang dalagita dahil sa tinamong tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan.

Sa ulat ng Pampanga Police, nabatid na ang krimen ay naganap dakong alas-8-:50 ng umaga habang ang biktima ay nakaupo sa harapan ng kanilang tahanan nang dumating ang dalawang suspek na sakay ng isang motorsiklo.

Sinasabing pumarada ang dalawang salarin sa harap ng biktima at walang sabi-sabing pinagbabaril ito.

Duguang bumagsak ang dalagita habang ang mga suspek ay mabilis na tumakas patungo sa direksiyon ng Magalang, Pampanga.

Sinikap pang isugod sa pagamutan ang biktima ng kanyang mga kaanak pero idineklara na itong dead-on-arrival.

Kasalukuyan pang inaalam ng mga awtoridad ang motibo ng krimen kabilang na ang anggulong atraso ng isa sa miyembro ng pamil­ya ng dalagita sa mga suspek.

Sa ngayon ay nagsasagawa pa ng follow-up operation ang mga tauhan ng pulisya sa Mexico, Pampanga upang maaresto ang mga salarin.

 

vuukle comment

DUGUANG

KASALUKUYAN

KINILALA

MAGALANG

PAMPANGA

PAMPANGA POLICE

PANDACAQUI

RIALYN RAVALO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with