DOLE naglabas ng trabaho na ‘in demand’
MANILA, Philippines - Labinlimang uri ng trabaho na itinuturing na mahirap punan sa Pilipinas ay maaari na gamiting gabay ng mga papasok sa kolehiyo o pipili ng kurso.
Inihayag ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Rosalinda Baldoz ang mga uri ng trabaho na nakalista ay ibinase sa pinagsama-samang impormasyon ng Bureau of Labor and Employment Statistics Integrated Survey, at Project Jobs Fit ng DOLE.
Kabilang sa Skilled Occupational Shortage List ay ang architect, chemical engineer, chemist, environmental planner, fisheries technologist, geologist, guidance counselor, licensed librarian, medical technologist, sanitary engineer, computer numerical control, machinist, assembly technician, test technician, pilot at aircraft mechanic.
Bukod aniya, sa mahirap ang ilan sa mga nabanggit na trabaho ay hindi lahat ng paaralan ay nag-o-offer ng ganitong kurso at bihira lang rin ang kumukuha o nag-aaral ng ilan sa mga ito kaya naman ito ay indemand.
Makatutulong aniya sa ekonomiya ng bansa kung madadagdagan pa ang bilang ng mga indibidwal na kukuha ng mga nabanggit na trabaho.
Batay sa bagong JobsFit Labor Market Information (LMI) Report 2013-2020, may 272 trabaho na sinasabing in-demand at 110 dito ang hard-to-fill. Nasa 43 naman ang itinuturing na cross-cutting occupations na napabilang sa in-demand at hard-to-fill.
- Latest