^

Police Metro

Love triangle tinapos sa saksak... lover ng misis, todas kay mister

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinatay sa saksak ng isang mister ang itinuturong lover ng kanyang misis habang kritikal naman ang misis nito at suga­tan ang kanyang biyenan naganap kamakalawa ng  gabi sa Sta. Rosa City, Laguna.

Namatay habang nilalapatan ng  lunas sa Polyclinic Hospital ang biktima na si Jerson Tajuna, nasa hustong gulang dahil sa mga tinamong saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan. 

Nilalapatan naman ng lunas sa pagamutan ang mga biktimang sina Mary Anne Segler, 25; misis ng suspek na si Efren Segler, 33, at ang biyenan na si Nadene Pacheco, 47 na pawang nasa kritikal na kondisyon dahil sa tinamong mga saksak sa bibig at iba pang bahagi ng katawan.

Tumakas ang suspek na si Efren na nahaharap sa kasong murder, frustrated parricide at frustrated homicide.

Sa imbestigasyon, dakong alas-8:00 ng gabi ay kasalukuyang sakay si Tajuna  ng kaniyang  kulay asul na motorsiklong Suzuki sa bisinidad ng Southville Pooc, Sta. Rosa City, Laguna nang lapitan at bigla na lamang pagsasaksakin ng suspek.

Matapos pagsasaksakin ang biktima ay tinu­ngo ng suspek ang bahay ng biyenan sa Mabuhay Homes, Brgy. Mamatid, Cabuyao, Laguna  na  kung saan ay nandun ang kaniyang misis at pinagsaksak din.

Nasugatan naman ang kaniyang biyenan matapos na tangkain nitong pigilan ang kaniyang manugang sa pananaksak sa kaniyang anak. 

Lumilitaw sa imbestigasyon na  love triangle ang motibo ng krimen kaugnay ng napapa­balitang pakikipagrelasyon ng  misis ng suspek sa biktima.

vuukle comment

EFREN SEGLER

JERSON TAJUNA

MABUHAY HOMES

MARY ANNE SEGLER

NADENE PACHECO

POLYCLINIC HOSPITAL

ROSA CITY

SOUTHVILLE POOC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with