Bagyong Marce nag-landfall sa Cagayan
MANILA, Philippines — Nag-land fall kahapon sa Northeastern Cagayan ang bagyong Marce.
Nabatid na alas-5:00 ng hapon kahapon ang sentro ni Marce ay namataan ng PAGASA sa bisinidad ng Santa Ana, Cagayan taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 175 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 240 kilometro bawat oras.
Nakataas ang Signal No. 4 sa northern portion ng Cagayan (Gonzaga, Santa Ana, Santa Teresita, Lal-Lo, Buguey, Aparri, Camalaniugan, Gattaran, Ballesteros, Allacapan, Abulug, Pamplona, Sanchez-Mira, Claveria, Santa Praxedes, Lasam)kasama na ang Babuyan Islands, northern portion ng Apayao (Santa Marcela, Luna, Flora, Calanasan, Pudtol), northern portion ng Ilocos Norte (Pagudpud, Bangui, Vintar, Dumalneg, Adams, Bacarra, Pasuquin, Burgos). Signal No. 3 sa Batanes, nalalabing bahagi ng Cagayan, nalalabing bahagi ng Apayao, nalalabing bahagi ng Ilocos Norte, northern portion Abra (Tineg, Danglas, Lagayan, Lacub, San Juan, La Paz, Bangued), northern portion ng Ilocos Sur (Sinait, Cabugao, San Juan, Magsingal, Santo Domingo).
- Latest