MANILA, Philippines - Natuluyan sa ikalaÂwang pagkakataon na pagpapakamatay ang isang lalaki na magpapa-check-up sana sa Saint Luke’s Medical Center matapos na tuÂmalon ito sa ikalimang palapag ng hagdanan ng ospital kahapon sa Quezon City.
Ang nasawi ay kinilaÂlang si Jose Burdeoes, 31, na nagpunta sa nasabing ospital para sa check up ng kanyang sakit sa pag-iisip.
Batay sa ulat, dakong alas-12:10 ng tanghali nang magpunta sa ospital, partikular sa medical arts building na bahagi ng Saint Lukes ang biktima kasama ang kanyang kaanak para magpa-konsulta.
Habang naghihintay umano ay pansamantalang iniwan ang biktima ng kanyang kaanak, hanggang sa tumayo ang una patungo sa hagdan na nasa ikalimang palapag at tumalon.
Ayon pa sa imbestigasyon, nagtangka na rin magpakamatay noong nakaraang mga araw ang biktima sa hindi mabatid na kadahilanan, sanhi para dalhin nila ito sa ospital para ma-examine.