Paalala sa mga deboto ng Black Nazarene Aral ni Kristo isabuhay -Tagle
MANILA, Philippines - Pinaalalahanan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga deboto ng Black Nazarene na isabuhay ang aral ng Panginoong Hesu-Kristo.
Ayon kay Cardinal tagle, dapat ay sundin ang pagiging mabuti at kapita-pitagan sa kapwa ng bawat deboto ng itim na Nazareno.
Binigyang diin pa ni Tagle na ang pagiging magalang at matulungin sa kapwa ay nangangahulugan nang hindi pananamantala, pagnanakaw o pag-iisip ng masama sa ibang tao.
Aniya, marami sa mga deboto ang pakitang tao lamang ang kanilang pagiging mabait sa kapwa.
Sa January 9, pangungunahan ni Archbishop Tagle ang banal na misa bago ang pagsisimula ng prusisyon mula Luneta hanggang Quiapo Church.
Ayon naman kay Manila Police District- Deputy District Director for Operations Sr. Supt. Joel Coronel, magkakaroon ng sapat na augmentation sa pista ng Quiapo mula sa MPD, NCRPO at Armed Forces of the Philippines (AFP).
- Latest