^

Police Metro

Saleslady pumalag sa kawatan, tinarakan sa leeg

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 21-anyos na saleslady matapos na siya ay tarakan ng patalim sa leeg nang manlaban sa mga kawatan na pumasok sa kanyang bahay kamakalawa sa Brgy. Pasonanca, Zamboanga City.

Ang nasawi ay kinilalang si Jessica Sabanate, dalaga, saleslady sa Avon Beauty Products na nagtamo  ng saksak sa kaniyang leeg na ikinaputol ng sensitibo nitong ugat.

Naaresto naman sa isinagawang follow-up operation ang dalawang suspek na kinilalang sina Joey Ferrer, 28 at  Joel Gaganting, 32.

Sa ulat bandang alas-12:15 ng madaling-araw ay mahimbing na natutulog ang biktima sa kaniyang kuwarto nang magising ito sa nilikhang kaluskos ng dalawang magnanakaw na pumasok sa kaniyang bahay.

Huling-huli ng dalaga sa pagbukas nito ng ilaw ang dalawang suspek habang hawak na ang kaniyang bag na naglalaman ng isang unit ng Nokia cellular phone, two mini pocket wifi, mga lipstick na paninda nito sa AVON, isang salamin, hindi pa madeterminang halaga ng cash at iba pa.

Tinangkang manlaban ng biktima para mabawi ang kaniyang mga kagamitan pero hinawakan siya ng isa sa braso at tinarakan naman ng isa pa sa kaniyang leeg gamit ang isang double blade na patalim.

Nakita ng mga testigo ang paglabas sa bakuran ng bahay ng biktima ang mga suspek kaya’t nakilala sila.

 

vuukle comment

AVON BEAUTY PRODUCTS

BRGY

HULING

JESSICA SABANATE

JOEL GAGANTING

JOEY FERRER

KANIYANG

NAARESTO

NAKITA

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with