^

Police Metro

Patay na lalaki iniwan ng taxi driver sa tapat ng ospital

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Malaki ang hinala ng pulisya na ang natagpuang bangkay ng isang matandang lalaki sa loob ng inabandonang taxi ay pinaniniwalaang nakasagasa dito kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Kasalukuyan pang inaalam ang pagkakakilanlan ng biktima na tinatayang nasa pagitan ng 50-55-anyos, may taas na 5’4”, nakasuot ng kulay pulang t-shirt at checkered na short pants na nagtamo ng matinding sugat sa kaliwang balikat, ulo at baywang.

Sa ulat, bandang alas-10:55 ng gabi nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa likuran ng Mama taxi (TWS-729) na inabandona sa harapan ng Quezon City General Hospital sa kahabaan ng Seminary Road, Brgy.Bahay Toro ng lungsod.

Ayon sa pulisya na posibleng ang tumakas na driver ng nasabing taxi ang nakasagasa sa biktima dahilan may basag ang windshield nito at may sira rin ito sa unahan.

Nabatid na ini-report ng security guard ng hospital na si Rogelio Oliva  sa pulisya na siyang nakadiskubre sa bangkay habang nagroronda sa bisinidad ng ospital.

 

vuukle comment

AYON

BAHAY TORO

BRGY

KASALUKUYAN

MALAKI

NABATID

QUEZON CITY

QUEZON CITY GENERAL HOSPITAL

ROGELIO OLIVA

SEMINARY ROAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with