^

Police Metro

3 na balak mangholdap niratrat sa Lagusnilad

Pang-masa

MANILA, Philippines - Tatlong lalaki na umano ay magsasagawa sana nang panghoholdap ang pinagbabaril ng hindi pa kilalang kalalakihan na ikinasawi ng dalawa at lubhang pagkasugat ng isa sa Lagusnilad, tapat ng Manila City Hall kamakalawa ng gabi.

Namatay noon din ang hinihinalang holdaper na inilarawan nasa pagitan ng edad na 35-40, may taas na 5’9”, nakasuot ng camouflage shorts, blue na t-shirt, rubber shoes at may tattoo na “Sharmyn” at BCJ-32” sa likod.

Idineklarang dead-on arrival sa Philippine Ge­neral Hospital ang isang Ariel Dalida, 24, binata, jobless, ng no. 453 Legazpi St., Intramuros, Maynila Ang malubhang nasugatan na dinala rin sa nasabing ospital ay kinilalang si Rudy Fernandez, 23, ng no. 452 Cabildo St., Intramuros, Maynila sanhi ng tama ng bala sa kamay.

Sa ulat ng pulisya, bago naganap ang pagbaril sa tatlo dakong alas-6:20 ng gabi sa Lagusnilad underpass sa harapan ng Manila City Hall ay nakita ang mga ito na paikut-ikot sa lugar at ilang sandali ay pinagbabaril ang mga ito ng hindi pa kilalang mga gunman.

Malaki ang hinala ng pulisya na ang tatlo ay pang­hoholdap ang lakad  at ang nasugatang si Fernandez ay dati nang naaresto sa kasong panghoholdap.- Ludy Bermudo-(Kimberly Mata, Anna Katrina, Quiamco, Annadian Rivera-Trai­nees)

vuukle comment

ANNA KATRINA

ANNADIAN RIVERA-TRAI

ARIEL DALIDA

CABILDO ST.

INTRAMUROS

KIMBERLY MATA

LAGUSNILAD

LEGAZPI ST.

MANILA CITY HALL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with