Barilan sa Taguig: 3 todas
MANILA, Philippines - Awayan umano sa ilegal na patubig ang dahilan nang naganap na barilan sa Taguig City na ikinasawi ng tatlong lalaki kahapon ng umaga.
Patuloy pang inaalam ang pangalan ng tatlong biktima na idineklarang dead on arrival sa Ospital ng Makati.
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-9:00 ng umaga nang maganap ang pamamaril sa may no. 31 Mt. Apo St., Palar, Brgy. Pinagsama.
Nabatid na nakatanggap ang pulisya nang ulat tungkol sa nasabing pamamaril at nang resÂpondehan ang lugar ay nakita ang tatlong lalaki na nakahandusay sa lupa.
Walo katao naman ang dinakip ng mga pulis na hinihinalang may kinalaman sa naganap na pamamaril.
Tumanggi muna sina Southern Police District (SPD) Director Jose Erwin Villacorte at Taguig City Police chief, Sr. Supt. Felix Asis na magbigay ng detalye sa naganap na barilan na isinasailalim pa sa imbestigasyon.
Sa unang imporÂmasyon na lumabas, awaÂyan umano sa tubig ang pinag-ugatan ng sigalot na nauwi sa barilan.
- Latest