^

Police Metro

Amok: 3 patay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Napatay ang dalawang pamangkin ng isang dating pangulo ng Association of Brgy. Captains (ABC) matapos na mag-amok ang security escort ng ABC president na napatay din ng mga nagrespondeng miyembro ng Civi­lian Volunteers Organization (CVO) sa bayan ng Datu Montawal, Maguin­danao kamakalawa ng hapon.

Idineklarang dead-on- arrival sa Kabacan Hospital dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang dalawang biktima na sina Nasser Alba at Andala Makapalo; pawang nasa hustong gulang at pamangkin ni dating ABC President Mokamad Andoy.

Habang ang suspek ay kinilalang si Rahib Ali, close in security escort ni Andoy na napatay din matapos na manlaban nang makorner ng nagrespondeng mga CVO.

Sa imbestigasyon, bandang alas-2:45 ng hapon nang mag-amok si Ali sa bisinidad ng bahay ni Vice Mayor Annie Montawal na matatagpuan sa Brgy. Tunggol, Datu Montawal, Maguin­danao.

Pinaniniwalaang nasa impluwensya  na naman ng droga si Ali nang ito ay mag-amok dahil sa tirik na tirik umano ang mata nito nang bigla na lamang puntiryahin ng pamamaril ang kaniyang among si Andoy na masuwerte namang nakailag, nagawang makatakbo at makapagtago.

Subalit ang mga bala na pinakawalan ng suspek ay tumama sa dalawang pamangkin ni Andoy.

Dito ay rumesponde ang mga CVO, subalit sa halip umano na sumuko ang suspek ay nanlaban ito kung kaya’t napilitan ang mga una na barilin din ito.

 

ALI

ANDALA MAKAPALO

ANDOY

ASSOCIATION OF BRGY

DATU MONTAWAL

KABACAN HOSPITAL

MAGUIN

NASSER ALBA

PRESIDENT MOKAMAD ANDOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with