^

Police Metro

PCG nagbabala ng overloading sa barko

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Huwag samantalahin ang pagdagsa ng mga pasahero ng barko nga­yong holiday season sa pagpapasakay ng higit sa itinatakdang kapasidad  upang huwag silang maabala o mapatawan ng parusa.

Ito ang babala ni Phi­lippine Coast Guard  (PCG) spokesman Commander Armand Balilo at mahigpit na nagpapaalala sa mga may-ari o operator ng mga shipping company sa bansa na huwag mag-overloading sa bilang ng  pasahero at bigat ng kargamentong higit sa itinakdang kapasidad ng mga barko upang maiwasan ang anumang insidente sa karagatan tulad ng peligrong lumubog.

Nabatid sa PCG na tatlo nang pampasahe­rong barko na pagma­may-ari ng Aleson Shipping Lines Incorporated ang pinigil ng Coast Guard nang madiskubre na hindi kumpleto ang pangalan ng mga pasahero na nakalista sa
manipesto. Kabilang na rito ang MV Stephanie-Zamboanga na may sakay na 272 pasahero na hindi nakatala sa manipesto nuong Disyembre  23; gayundin ang MV Ciara Joie Two na may 118 na sobrang pasahero at MV Trisha Kerstin One na may sakay namang 79 na sobrang pasahero.

Umapela si Balilo sa publiko na agad isumbong sa otoridad ang alinmang barko na lumalabag sa patakaran kontra sa overloading.

ALESON SHIPPING LINES INCORPORATED

BALILO

CIARA JOIE TWO

COAST GUARD

COMMANDER ARMAND BALILO

DISYEMBRE

HUWAG

TRISHA KERSTIN ONE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with