PNP nasa alert status
MANILA, Philippines - Nasa heightened alert status na kahapon ang buong puwersa ng Philippine National Police (PNP) kaugnay ng pagdiriwang ng pasko at pagsalubong sa Bagong Taon.
Ito ang inihayag ni PNP Chief Director General Alan Purisima at ipinauubaya na niya sa mga Regional Police Director kung itataas sa full alert status (pinakamataas ng alerto ng PNP) dahilan ang mga ito ang nakakaalam sa sitwasyon ng peace and order sa mga lugar na kanilang nasasakupan.
Inihayag naman ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director P/Chief Supt Carmelo Valmoria na bilang panimulang hakbang sa mapayapang pagsalubong sa Kapaskuhan ay senelyuhan na ng masÂking tape ang dulo ng mga baril ng daang mga pulis sa Metro Manila upang makatiyak na hindi magagamit sa indiscriminate firing ang nasabing mga baril.
Ayon pa sa opisyal na ang maagang pagseÂselyo sa dulo ng mga baril ay sa kadahilanang ilang araw bago ang pagdiriwang ng pasko ay mayroong mga matitigas ang ulong pulis na sinasalubong ang pasko sa pamamagitan ng indiscriminate firing.
- Latest