Libong ilegal na Christmas lights nakumpiska ng DTI
MANILA, Philippines - Nakakumpiska ang mga tauhan ng Department of Trade and Industry (DTI) sa kanilang mga inspeksyon sa iba’t ibang mga pamilihan sa Metro Manila ng 2,900 set ng mga iligal na Christmas lights.
Nasa 2,326 sets ng Christmas lights ang pinakahuling nakumÂpiska sa ginawang pagsalakay kamakalawa sa mga tindahan sa BaclaÂran Market sa Parañaque City habang 61 sets ang nakumpsika sa pagsaÂlakay naman sa isang tindahan sa Makati CiÂnema Square sa Makati City.
Ayon kay DTI-Consumer Welfare and Business Regulation officer-in-charge Victorio Mario Dimagiba na ang mga kinumpiskang Christmas ligths ay pawang mga walang Import Commodity Clearance (ICC) sticker na tanda na dumaan ito at pumasa sa pagsusuri sa kalidad ng DTI.
Kabilang sa mga brands ng nakumpiskang mga ilaw ay ang: Ako/Mabuhay Star, Seven Star, Twinkle Light, Holiday Season, North Star, Crown Led Light, Lucky Bright, at Star.
Idinagdag pa ni Dimagiba na sa mga nakalipas na panahon, ang mga mababang kalidad ng mga Christmas lights ang pangunaÂhing dahilan ng sunog sa Pilipinas tuwing magpa-Pasko.
- Latest