^

Police Metro

‘Bading’ binoga, tigok

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tigok ang isang ‘ba­ding’ na may-ari ng isang beauty parlor matapos barilin sa batok habang bumibili ng masking tape, sa isang tindahan, sa Sampaloc, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Allan Soriano, 27, tubong Davao City at nakatira sa kanyang parlor na matatagpuan sa  #1242 Lardizabal St,, Sampaloc, Maynila.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakilanlan ng suspek at motibo ng ginawa nitong pagbaril at pagpatay sa biktima.

Sa ulat ni PO3 Jupiter Tajonera, ng Manila Police District-Homicide Section, dakong ala-1:30 ng mada­ling araw nang maganap ang insidente sa tapat ng  #300 F. Jhocson st,. malapit sa panulukan ng Lardizabal St., Sampaloc.

Sa imbestigasyon, lu­mabas ng bahay ang biktima sa kasuotang pambabae, upang bumili ng masking  tape sa kalapit na “Pamn Store” nang lapitan siya ng suspek at walang sabi-sabing barilin ng malapitan.

Ayon sa pagsusuri ng Scene of the Crime Operative (SOCO) team sa pangunguna ni Senior Insp. Liz-Ann Sugcang, isang bala lamang ang tinamo ng biktima sa batok na siyang dahilan ng kanyang kamatayan.

 

vuukle comment

ALLAN SORIANO

DAVAO CITY

JUPITER TAJONERA

LARDIZABAL ST

LARDIZABAL ST.

LIZ-ANN SUGCANG

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

PAMN STORE

SCENE OF THE CRIME OPERATIVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with