Patay sa Yolanda nasa 6,009
MANILA, Philippines - Lumobo na sa 6,009 katao ang nasawi sa nakalipas na super bagyong Yolanda sa Visayas region at nasa 16 milyon katao ang apektado.
Ito ang iniulat kahapon ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Eduardo del Rosario.
Nanatili naman sa 1,779 ang nawawala at ngayon ay patuloy pa ring pinaghahanap habang tumaas na rin sa 27,022 ang mga naitatalang sugatan.
Nadagdagan naman ang halaga ng pinsala ng bagyo na umaabot na sa P 35.547 bilyon kabilang ang P18.226 bilyon sa imprastraktura at P17.321 bilyon naman sa agrikultura.
Patuloy naman ang rehabilitation mission ng mga ahensya ng gobyerno upang muling makabaÂngon ang mga residente sa Visayas Region na matinding sinalanta ng super typhoon Yolanda noong Nobyembre 8.
Nasa 1,139,0731 namang mga kabahayan ang nagtamo ng pinsala kabilang ang 550,904 nawasak at 588,827 nagkaroon ng sira.
Nabatid din namarami sa mga bangkay na narekober sa Tacloban ang nabulok na at mahirap ng kilalanin dahilan burado na ang fingerprint, walang dental rekord at wala ring kumikilala sa mga ito matapos ang exodus ng mga reaidente sa Leyte at Samar.
- Latest