^

Police Metro

Habang mahimbing na natutulog... Ina, 3 anak nilamon ng lupa

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang ina at tatlo nitong anak na paslit ang nalibing nang buhay makaraang matabunan ng gumuhong bundok ang kanilang bahay na nasa paanan na matatagpuan  sa liblib na lugar sa Brgy.San Ildefonso, Casiguran, Aurora kamakalawa ng gabi.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Mercy Terobias, 42 anyos at mga anak nitong sina Carmi, 11; Vanessa, 8 at Jassel, 5.

Sa ulat bandang alas- 9:00 ng gabi nang maganap ang landslide na tumabon sa bahay ng mag-iina na nasa paanan ng bundok.

Sa inisyal na ulat, na ang landslide ay sanhi ng malalakas na pag-ulan sa nasabing lugar nitong nakalipas na mga araw.

Nabatid na mahim­bing ng natutulog ang mag-iina  nang biglang dumagundong ng ma­lakas at kasunod nito ay natabunan ng gumuhong bundok ang kanilang bahay.

Ang bangkay ng mga biktima ay narekober ng search and retrieval team ng lokal na pamahalaan na nagresponde sa lugar.Lumikas na ang iba pang residente sa lugar sa takot na muling magkaroon ng pagguho.

 

vuukle comment

BRGY

CARMI

CASIGURAN

ISANG

JASSEL

LUMIKAS

MERCY TEROBIAS

NABATID

SAN ILDEFONSO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with