Mag-asawa inutas ng nakamotor
MANILA, Philippines - Isang mag-asawa ang nasawi nang pagbabarilin ng dalawang lalaki na nakasakay sa isang motorsiklo kamakalawa sa Masinloc, Zambales.
Ang mag-asawa ay kinilalang sina Victorino Nombrado, 52, magsasaka, at Teresita, 49, tindera ng gulay, ng Barangay Pangolingan, Palauig, Zambales.
Batay sa paunang imbestigasyon, dakong alas-5:00 ng umaga sakay ang mag-asawa ng kanilang traysikel upang magdeliber ng mga gulay sa Candelaria Public Market.
Habang bumabagtas sa National Highway sakop ng Sitio Kahawangan, Barangay Baloganon ay bigla umanong sumulpot mula sa likuran ang mga suspek at pinagbabaril ang mag-asawa na nagtamo ng tig-dalawang tama ng bala ng kalibre 45 sa kaliwang balikat at likuran.
- Latest




















