^

Police Metro

Sakop ng SBMA umabot na sa San Antonio

Randy V. Datu - Pang-masa

MANILA, Philippines - Subic Bay Freeport-Malugod na tinanggap ni Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA)  Roberto Garcia ang 10,000 ektaryang lupain ng San Antonio, Zambales na ipinailalim sa nasasakupan ng Subic Freeport para paunlarin.

Sa bisa ng Sangguniang Bayan Resolution No. 13-080 na ipinasa noong Nobyembre 19, 2013, ipinagkaloob ng bayan ng San Antonio ang 10,000 ektaryang lupain at lawas-tubig sa ilalim ng  Subic Bay Freeport Zone na idineklara namang San Antonio Economic Development Area.

Nakapaloob din sa resolusyon na ang Sitio Silangin, Nagsasa at Talisayin, pawang nasa Redondo Peninsula ay magiging bahagi sa tax and duty free privileges ng Freeport.

Matapos tanggapin ang kopya ng resolusyon kay San Antonio Mayor Estella Antipolo nitong Disyembre 2 sa SBMA Board Room, inihayag nina Garcia at SBMA Deputy Administrator for Legal Affairs Atty. Randy B. Escolango  na napapanahon ang resolusyon dahil kailangan ng Freeport ang karagdagang lugar na maiaalok sa mga dayuhang investor para paunlarin.

Nilinaw naman ni Escolango na ang turn-over ay batay sa  Executive Order No. 675 na pinapayagan ang kumbersiyon ng mga lugar bilang karagdagang bahagi ng Subic Bay Freeport Zone.

Tiniyak din ni Antipolo na makikibahagi ang pamahalaang lokal upang maengganyo ang mga investor sa pagtataguyod ng transparency sa pamamahala at pag-aalis sa red tape sa mga transaksiyon sa negosyo.

BOARD ROOM

DEPUTY ADMINISTRATOR

ESCOLANGO

EXECUTIVE ORDER NO

LEGAL AFFAIRS ATTY

RANDY B

REDONDO PENINSULA

SAN ANTONIO

SUBIC BAY FREEPORT ZONE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with