Nanlaban sa rapist, kritikal sa saksak
MANILA, Philippines - Isang 29-anyos na dalaga ang nasa kritikal na kondisyon matapos na pagsasaksakin nang manlaban sa tangkang panghahalay ng kanyang kapitbahay kamakalawa sa Brgy. San Juan, Alegria, Surigao del Norte.
Ang biktima na kinilalang si Carmela ay nasa kritikal na kalagayan sa Kitcharao District Hospital sanhi ng mga tinamong saksak sa dibdib at kamay nang manlaban sa suspek na kinilalang si Dodong Estorya.
Batay sa ulat, kasalukuyang mahimbing na natutulog ang dalaga nang magising ito sa nilikhang kaluskos ng hubo’t hubad ng suspek na nasa loob ng kaniyang kuwarto.
Pinaghihipuan ng suspek ang biktima sa maseselang bahagi ng katawan na unti-unti ng hinuhubaran subalit ng magising ay nanlaban ito at sinipa.
Nagalit ang suspek matapos na mabitin kaya’t agad na pinagsasaksak ang dalaga. Nagising ang mga kasambahay ng biktima kaya’t mabilis na tumakas ang suspek na tumalon sa bintana ng walang saplot.
Narekober sa crime scene ang isang maikling itak, short, brief ng suspek at isang improvised na baril na may limang bala.
- Latest