Malampaya contractor kinasuhan ng tax evasion

MANILA, Philippines - Dahil sa hindi nagdeklara ng tamang kinita ay kinasuhan ng tax evasion ng Bureau of Internal Revenue (BIR)  ang  isa sa mga  contractors  ng Malampaya Fund Infrastructure Project.

Sinabi ni BIR commissioner  Kim Henares  na ang operator na si  Bella Tiotangco ng BCT Trading and Construction ay nagdeklara lamang ng P167.77 milyong kinita noong  2008, gayung sa mga dokumentong nakalap ay lumalabas sa mga tseke, disbursement vouchers, at dokumento mula sa  provincial government ng Palawan  na may  P330.36 milyon itong kinita noong 2008.

Tumanggap din umano ito ng P52.95 milyon para sa pagkumpleto sa itinayong mga imprastraktura sa  Port sa  El Nido, Palawan.

Hindi naideklara ni  Tiotangco  ang kinitang  P233.71 milyon gayundin  ay  under-declared ang kanyang value added tax para sa  2nd, 3rd at 4th quarters ng 2008 na may halagang P71.55 milyon , P123.66 milyon at P123.11 milyon kaya’t may tax liability  ito na umaabot sa P277.21 milyon.

Show comments