^

Police Metro

Tatay itinumba sa harap ng pamilya

Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Sa harap ng kanyang misis at dalawang anak binaril ang isang mister ng mga armadong kalalakihan kamakalawa ng gabi sa Mahayag, Zamboanga del Sur.

Namatay noon din dahil sa mga  tinamong tama ng bala sa dibdib at likurang bahagi ng katawan ang biktimang si Ronald Daraydo, 45, rice field caretaker at residente ng Purok 6, Brgy. Daniel Mantos sa ba­yang ito.

Sa imbestigasyon, dakong alas-8:30 ng gabi  sa nasabing lugar ay kasalukuyang naglalakad ang biktima kasama ang kaniyang misis na si Betty Daraydo at dalawang paslit na anak sa may palayan pauwi sa kanilang bahay nang mag-flashflight sa mukha ng mister ang mga armadong suspek.

Bumati pa ng magandang gabi ang mga suspek at sinabi na magpapatubig sa sakahan nang bigla na lamang binoga ng shotgun ang biktima.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek na nagpanakbuhan palayo sa lugar at hindi naman sinaktan ang misis at anak ng biktima.

Narekober ng mga otoridad sa crime scene ang mga basyo ng bala ng nasabing armas.

vuukle comment

BETTY DARAYDO

BRGY

BUMATI

DANIEL MANTOS

MABILIS

MAHAYAG

NAMATAY

RONALD DARAYDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with