^

Police Metro

Solons - CTA wrong timing kay Pacman!

Gemma Amargo-Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines -Ikinadismaya ng mga kasamahan ni Sarangani Rep. Manny Pacquiao sa Kamara ang pagpapalabas ng Court of Tax Appeal (CTA) ng freeze order sa bank deposits nito.

Ayon kina Reps. Elpidio Barzaga (Dasmariñas City, Cavite) at Ben Evardone (Eastern Samar), kagulat gulat at masama ang timing ng freeze order laban kay Pacquiao.

Hindi anya magandamg tingnan na inilabas ang desisyon ng CTA, isang araw matapos ang panalo ni Pacquiao laban kay Brandon Rios na ipinagdiwang ng buong bansa at nagbigay ng inspirasyon sa mga biktima ng bagyong Yolanda.

Makakaapekto din umano ito sa planong pagtulong ni Pacquiao sa mga biktima ng bagyong Yolanda na balak nitong bisitahin at personal na dalhan ng tulong.

Nais din ni Barzaga, chairman ng House Committee on Games and Amusement na siyasatin ang tax case ni Pacquiao na pinag-ugatan ng freeze order sa bank deposit nito.

Nabatid na nag-ugat ang P2.2 bilyon tax case ng peoples champ dahil sa umanoy kabiguan nito na ideklara sa income tax returns ang milyon milyong dolyar na kinolekta  ng internal revenue service ng Estados Unidos sa mga premyo nito sa panalo sa boksing mula 2008 hanggang 2009.

BEN EVARDONE

BRANDON RIOS

COURT OF TAX APPEAL

EASTERN SAMAR

ELPIDIO BARZAGA

ESTADOS UNIDOS

GAMES AND AMUSEMENT

HOUSE COMMITTEE

PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with