^

Police Metro

Janitor tepok sa suntok

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ilang oras na-comatose ang isang 32-anyos na lalaki bago bawian ng buhay matapos na siya ay bumagsak at mabagok ang ulo sa semento nang suntukin ng kanyang na­ging kaaway kamakalawa sa Pasay City.

Kinilala ang nasawi na si Edwin Angeles, ng no. 102 Pluto St., Brgy. Zone Valley NAIA, nang lungsod dahil sa namuong dugo sa utak nito.

Ang suspek na pinag­hahanap ng pulisya ay nakilalang si Antonio Partosa, 40, residente rin ng naturang lugar.

Sa ulat, bago ang insidente dakong alas-2:30 ng hapon ay unang nakaaway ang biktima ang kapitbahay na si Modesto Guilino, Jr., 39.

Sa sandaling iyon ay natutulog si Angeles at naalimpungatan nang basagin ni Guilino ang electrical sub-meter ng kanilang bahay.

Kinompronta ni Angeles si Guilino na nauwi sa kanilang suntukan hanggang sa maawat ng mga rumespondeng barangay tanod at dinala sa barangay hall.

Habang inaayos ng mga opisyal ng barangay ang problema ay sumulpot ang suspek na si Partosa na mortal na kaaway ng biktima at buong lakas na sinuntok kaya’t bumagsak at nabagok ang ulo sa semento.

Nagawang makatakas si Partosa habang sumuko naman sa pulisya si Guilino at dinala ang biktima sa Pasay City General Hospital.

 

vuukle comment

ANTONIO PARTOSA

EDWIN ANGELES

GUILINO

MODESTO GUILINO

PARTOSA

PASAY CITY

PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

PLUTO ST.

ZONE VALLEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with