^

Police Metro

PDAF idineklara ng SC na ilegal

Doris Franche-Borja, Gemma Garcia, Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - Idineklara ng Supreme Court ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o mas kilala sa tawag na pork barrel mula sa nakaraan at kasalukuyang budget ay unconstitutional.

Inihayag ni SC Public Information Office (PIO) Chief Atty. Theodore Te sa botong 14-0 at nag-inhibit naman si Justice Presbitero Velasco dahil sa pagkakaroon nito ng  anak na mambabatas.

Kabilang din sa kautusan ng SC na  kasuhan ang mga nakinabang sa PDAF simula nang buuin ito hanggang huling gamitin ngayong 2013.

Anila, iimbestigahan at lilitisin ang lahat ng opisyal ng gobyerno at pribadong indibidwal na posibleng umabuso sa PDAF.

Matatandaang Agosto 23 nang buwagin ni Pa­ngulong Benigno S. Aquino III ang PDAF at pinigil na rin ng SC ang pagpapalabas nito sa pamamagitan ng temporary restraining order noong Setyembre 10.

Dahil sa desisyon, permanente nang hindi magagamit ang natitirang pork barrel ngayong 2013 at ibabalik na sa naturang treasury.

Magugunita na patung-patong na petisyon ang tinanggap ng SC matapos matuklasang ginagamit ng ilang mambabatas ang kanilang PDAF sa mga kwestyunableng proyekto.

Nakadagdag pa rito ang pagkakasangkot ng mga senador at kongresista sa pork barrel fund scam.

Samantala, igagalang ng pamunuan ng Senado at Kamara ang desisyon ng SC sa pork barrel system.

Ayon kay Senate Pre­sident  Franklin Drilon sa langit na lamang maaring iapela ang desisyon lalo pa’t mayorya naman ng senador ay pumabor sa pagbasura ng nasabing pork barrel system.

Sinabi pa ni Drilon na “welcome” sa Senado ang nasabing desisyon bagaman at maitutu­ring na itong mood and academic dahil wala ng senador ang gustong kumuha ng kanilang PDAF.

Ayon naman kay House Speaker Feliciano Belmonte, tanggap ng buong Kamara ang desisyon at susundin nila ito.

Dahil na rin sa ipinag-utos ng SC na ibalik sa national treasury ang natitirang 2013 PDAF, kayat maghihintay na lang ng proposal ang Kamara sa Ma­lakanyang para sa supplemental budget upang magamit sa rehabilitation effort ang pondo.

AYON

BENIGNO S

CHIEF ATTY

DAHIL

DRILON

HOUSE SPEAKER FELICIANO BELMONTE

JUSTICE PRESBITERO VELASCO

KAMARA

MATATANDAANG AGOSTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with