^

Police Metro

Bus vs bus: 5 dedo

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dedo ang lima katao makaraang magbanggaan ang dalawang pampasaherong bus na ang isa ay patungo ng Maynila sakay ang mga survivor ng bagyong ‘Yolanda’ na umalis sa Tacloban City na naganap sa Camarines Sur, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) V, nabatid na ang banggaan ng Raymund bus na patungong Bicol at ng JMC Tour Bus na may sakay na survivor ng bagyo  ay naganap sa Andaya highway, Brgy Cumadaycaday, del Gallego ng lalawigan dakong alas-3:00 ng madaling araw.

Kinilala ang mga nasawi na sina Flordeliza Bronoso, 40 anyos at Paolo Bronoso, 12; kapwa residente ng Balagtas, Bulacan; Araceli Manaog ng Buhi, Camarines Sur at Jane Tugade ng Catmon, Malabon City na  pawang lulan ng Raymund Bus.

Ang isa pang namatay ay nakilala namang si  Ramoncito Martinez, 42 ng Aliaga, Nueva Ecija lulan naman ng JMC tour bus na may 70  pasahero na karamihan ay nagsitakas mula sa Tacloban City, Leyte matapos itong salantain ng delubyo ng super typhoon Yolanda.

Isinugod naman sa pagamutan ang mga nasugatang biktima na kasalukuyan pang inaalam ang eksaktong bilang at kung may survivor sa bagyong Yolanda mula sa mga ito.

Ang mga sugatang biktima ay nagtamo ng pagkabali ng buto sa katawan bunga ng insidente.

Sa inisyal na imbestigasyon masyado umanong madulas ang daan sanhi ng tumagas na langis sa mga bus na nagbunsod sa banggaan.

 

ARACELI MANAOG

BRGY CUMADAYCADAY

CAMARINES SUR

FLORDELIZA BRONOSO

JANE TUGADE

MALABON CITY

NUEVA ECIJA

PAOLO BRONOSO

TACLOBAN CITY

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with