^

Police Metro

Nakaw na relief goods ibinebenta

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inaresto ng mga otoridad ang dalawang katao matapos mahuli na ibi­nebenta ng mga ito ang mga relief goods na ninakaw nila sa bodega ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa isinagawang operasyon sa Bagsakan Center, Brgy. Recodo, Zamboanga City.

Ang mga nasakoteng suspek ay kinilalang sina  Ayang Saidula, 33; at Nayma Sahibul Abas, 23, pawang mga residente sa lugar.

Batay sa ulat, bandang alas-9:25 ng umaga nang masakote sa Bagsakan Center ng lungsod habang illegal na ibinebenta ang mga samut-saring naka-repack na mga relief goods.

Nasamsam mula sa mga ito ang  kahon-kahon na sardinas, corned beer, carne norte at iba pa.

Ang nasabing mga relief goods ay nakalaan sa mga evacuees na biktima ng 20 araw na siege ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa Zamboanga City noong nakalipas na Setyembre na nanatili pa sa mga evacua­tion center ng lungsod.

Sa interogasyon sa himpilan ng Zamboanga City Police, sinabi ng mga suspek na ang nasabing mga relief goods ay nabili nila sa mga Badjao sa Brgy. Sinunuc ng lungsod sa murang halaga.

 

AYANG SAIDULA

BAGSAKAN CENTER

BRGY

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

MORO NATIONAL LIBERATION FRONT

NAYMA SAHIBUL ABAS

ZAMBOANGA CITY

ZAMBOANGA CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with