$2-M ibibigay na tulong ng Lions Club International sa ‘Yolanda’
MANILA, Philippines - Nakatakdang magbigay ng ayuda ang Lions Club International Foundation (LCIF) sa mga biktima ng bagyong Yolanda.
Agad na binigyan ng pansin ni LCIF international president Barry Palmer na dumaÂting ng bansa noong Lunes ang mga naging biktima ng bagyo at nangako na magbibigay ng donasyong aabot sa US$2,000,000 mula sa kanilang organisasyon.
Nabatid na nakalikom ng US$500,000 ang LCIF at nakapagbigay na sila ng $30,000 tulong sa pangangasiwa ng fund administrator na si Michael So sa mga biktima ng 7.2 magnitude na lindol sa Bohol noong nakalipas na buwan.
Ang nasabing halaga ay nakuha sa mga LCIF members sa idinaos na forum ng Organization of South East Asean Lions (OSEAL) sa Singapore pa lamang at inaasahang malaki pa ang idaragdag ng halaga dahil na 1.35 milyon ang miyembro nila mula sa 46,000 clubs sa may 207 bansa sa mundo.
Si Palmer ay dumating sa bansa para sa regular na charitable activities lamang at nagkataong umuulan naman ng tulong para sa Yolanda victims, na kaniya ding bibigyan ng malaking atensiyon kaya nakipagpulong sa mga opisyal ng LCIF kamakalawa ng gabi.
Kabilang sa plano ang personal na pagtungo sa relief mission sa Tacloban nina LCIF Manila Governor John Sy, National Press Club president and LCI’s Pasay City (Host) Lions Club president Benny Antiporda at Tempo’s editor and former Multiple District 301 Philippines head at State Council of Governors Chairman Robert Roque, Jr. at mga dating cabinet secretary at club president Voltaire Garzon, Manila Lions Club president Candy Pua at secretary-general Rey Oriel.
- Latest