100 bangkay nagkalat sa kalsada... Tacloban durog kay ‘Yolanda’
MANILA, Philippines - Nagkapatong-patong at nakahilera umano sa kalsada ang mga nasawi sa super bagyong si ‘Yolanda’ sa Tacloban City, Leyte.
Ayon kay Lt. Jim Aris Alagao, Spokesman ng AFP Central Command, nai-radyo umano sa kanila ng Army’s 8th Infantry Division (ID) ang nakakalunos na sitwasyon ng mga biktima ni ‘Yolanda’.
“As to the estimates, maraming marami ang patay makapanindig balahibo ito, we already sent 100 body bags requested in the area,†pahayag ni Alagao sa phone interview kaugnay ng delubyo na iniwan ng bagyo sa Visayas Region partikular na sa Tacloban City.
Sinabi ni Alagao, bilang pagsunod sa protocol ipinauubaya na nila sa Office of Civil Defense ang pagkumpirma sa eksaktong bilang ng mga nasawi.
Sa isang television interview naman kay Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) DeÂputy Director John Andrew, kinumpirma umano ng kanilang station manager sa Tacloban City na nasa 100 ang nagkalat na bangkay sa kalsada at marami ang sugatan.
Iniulat naman ni Cebu Provincial Office (PRO) VII Director P/Chief Supt. Danilo Constantino na tatlo ang nasawi sa bayan ng Medellin, isa ang nabagsakan ng punong kahoy, habang dalawa naman ang nalunod at 3 pa ang nawawala.
Sa ulat naman ng PNP, sinasabing tatlo ang nasawi sa Coron, Palawan; dalawa sa Antique, dalawa sa Iloilo, isa sa Capiz at dalawa sa Bugasong.
Sa ulat naman ng NDRRMC, apat pa lamang ang nairekord nilang nasawi dahil sira ang linya ng komunikasyon na nag-uugnay sa mga sinalantang probinsiya.
Sa report naman ni DSWD Director Rey Macuto, umaabot na sa mahigit 4,093 na pamilya na kabuuang 104 milyong katao ang apektado ng bagyo sa 36 lalawigan, 201 munisipalidad at Regions IVA, IVB, V, VI, VII, VIII, X, XI at Caraga.
- Latest